WATER INTERRUPTION - CAUSES

MGA DAHILAN NG PAGKAWALA NG TUBIG


  Split Second brownout

Paliwanag

a. Biglaang pagpatay at pagsindi ng kuryente
b. System adjustment (Meralco o NPC)

Ang ginagawa ng DWD

-Pagpapaandar ulit ng mga bomba at motor na naapektuhan
-May delay ang pagdating ng tubig sa kadahilanan na walang tubig ang mga linya

   Unscheduled power interruption

Paliwanag

-Walang tiyak na oras, araw, panahon sa biglaang pagkawala ng kuyente

Ang ginagawa ng DWD

- Paggamit ng Stand By-Generator
- Pagdadala ng Back-up Generator sa apektadong pumping station

  High Voltage(pagtaas ng daloy ng boltahe)

Paliwanag

-Ito ay dahilan para hindi umandar ang bomba at motor upang mawala o humina ang daloy ng tubig. Kadalasan nangyayari ito tuwing araw ng Sabado, Linggo at Pista Opisyal

Ang ginagawa ng DWD

Tinatawagan ng pansin ang Meralco para ayusin at itama ang boltahe

  Pagkatapos ng Brown-out ay wala pa rin tubig

Paliwanag

Ang hindi agad pagkaroon ng tubig pagkatapos ng brown-out ay nangyayari dahil kailangan pang paandarin ang bomba at linisin ang tubig

Ang ginagawa ng DWD

Isa-isang papandarin ang bomba, mag boblow-off para linisin ang tubig, mag bibuild up ng pressure para dumaloy ang tubig

  Pagkasira o Rehabilitasyon ng Bomba at Motor

Paliwanag

Ang pagkasira ng bomba at motor ay maaring mangyari ng hindi inaasahan.

Ang ginagawa ng DWD

Nagpapaabot ng paliwanag o paalala sa mga mamayan at pagkumpuni ng nasirang bomba at motor

  Mga Paalala:

•  Ugaliing mag-ipon ng tubig sa container para tayo ay may mapagkukunan kung sakaling nawalan ng tubig

• “SAVE WATER” – ireport ang mga Leak at Illegal Connection